Pahayag ni Duterte na maaring tumanggap ng regalo ang pulisya dinipensahan ng Palasyo

0
38

Dinipensahan ng Palasyo ng Malacañang ang naging pahayag ni Pang. Rodrigo Duterte na maaring tumanggap ng regalo ang pulisya mula sa publiko.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, isang abogado ang pangulo at higit nitong alam ang mga batas sa bansa kaya’t hindi dapat masamain ang naging pahayag nito.

Matatandaang umani ng batikos ang pangulo mula sa iba’t ibang opisyal ng pamahaalaan matapos nitong sabihin na walang pananagutan sa batas ang mga pulis na tatanggap ng regalo sa mga mag-mamagandang loob.

Dahil dito, tinawag ni Panelo na oportunista ang mga bumabatikos kay Pangulong Duterte dahil naka-abang aniya ang mga ito sa maling masasabi at magagawa ng punong ehekutibo sa halip na tulungan ang pangulo sa maganda nitong mga hangarin.

Una rito, mariin namang tinutulan ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang pagpayag na ito ng pangulo dahil ang simple aniyang pagtanggap ng regalo ay posibleng pag-ugatan ng korapsiyon.