Thursday, May 2, 2024

Doble Plaka Law hindi maituturing na diskriminasyon — PNP

- Advertisement -

Dumipensa ang pambansang pulisya sa kontrobersyal na ‘Motorcycle Crime Prevention Law’ na mas kilala bilang “Doble Plaka Law”.

Ito’y makaraang umani ng kaliwa’t kanang batikos ang nasabing batas mula sa mga motorcycle riders dahil sa tutol silang palakihin ang anyo ng kanilang plaka na mas malaki kaysa sa umiiral sa kasalukuyan.

Ayon kay PNP Chief Dir/Gen. Oscar Albayalde na isa ring motorcycle enthusiast, hindi naman maituturing na diskriminasyon ang nasabing batas para sa mga tulad nila.

Tiwala ang PNP Chief na mas maiiwasan ang krimeng kinasasangkutan ng mga riding in tandem criminals dahil tiyak na wala na silang magiging takas kapag mas madali nang matukoy ang kanilang plate number.

Magugunitang Marso 8 ng taong ito nang ganap na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing batas na ini-akda ni Senador Richard Gordon.

“This is part of a security. Security ito ng buong Pilipinas not only to anybody. Para sa lahat ito. Para sa kalahatan ito. Nakita ng gobyerno na pwede nating maiwasan lalong lalo na yung mga incidents of ‘riding in tandem’. Remember, yung mga ‘riding in tandem’ are perpetrated by suspects riding in motorcycles at yung mga motorcycle na ito, napakahirap na makita yung plate number nila dahil napakaliit. In fact, kahit yung mga sasakyan nga pinapalitan natin ng plate numbers eh. Just lately diba nagpalit tayo? Kulay green ngayon kulay white na yung mga plate numbers and meron nang parang RFID. That’s not discrimination.”

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img