Suspek sa pagpatay kay Christine Silawan mananatili paring suspek kahit pinalaya — PNP

0
45

Iginiit ng pambansang pulisya na mananatili pa ring suspek sa pagpatay sa grade 9 student na si Christine Lee Silawan ng Lapu-Lapu City sa Cebu ang 17 anyos nitong dating nobyo na una nang naaresto subalit pinalaya rin kalaunan.

Ito’y makaraang ipag-utos nitong weekend ng Lapu-Lapu City Prosecutor’s Office ang pagpapalaya sa naturang binatilyo dahil sa iligal na pag-aresto umano sa kaniya ng mga tauhan ng NBI o National Bureau of Investigation.

Ayon kay PNP Chief Dir/Gen. Oscar Albayalde, bagaman ipinunto ng piskaliya na hindi aniya maaaring idahilan ang hot pursuit operation para magpatupad ng isang warrantless arrest laban sa suspek, maaari pa rin itong arestuhin kapag may warrant na mula sa korte.

Giit ng PNP chief, kahit NBI aniya ang tumayong lead agency sa pagkakahuli sa binatilyo batay sa mensahe nito kay Silawan sa pamamagitan ng text at makilala sa CCTV footage, nakatutok pa rin sila sa kaso at kikilos batay sa kung ano ang tama at legal.

“Based on investigation, una umamin tapos nag break na ata. Iba iba na ngayon yung sinasabi. And probably he knows that he is under age. Isa yon. Wala kaming information on the other two but we created a tracking team diyan that will help the NBI to track the other two suspects pero hindi namin alam kung these are really minors or not.”