Saturday, May 18, 2024

DND pinagpapaliwanag ng COA sa yolanda funds

- Advertisement -

Pinagpapaliwanag ng COA o Commission On Audit ang DND Department of National Defense kaugnay sa hindi pa nagagamit na halos 3 pisong milyong pondo para sa mga sundalong naapektuhan ng bagyong yolanda at magnitude 7.2 na lindol sa Central Visayas nuong 2013.

Batay sa 20198 Annual Audit Report ng DND ..ang 2.14 million pesos na hindi nagamit na pondo ay mula sa Office of the President na inilaan para sa 151 sibilyan at military personnel na naapektuhan ng mga naturang kalamidad.

Umaabot naman sa halos 2.3 million pesos mula sa kabuuang halos 4.5 million pesos na nagmula rin sa tanggapan ng pangulo ang inilaan sa iba pang beneficiraies.

Ayon pa sa COA ..hindi pa nailalabas ang second tranche ng pondo galing sa tanggapan ng pangulo dahil sa kabiguan ng DND na ma liquidate ang mga naunang inilabas na pondo.

Ipinaliwanag din ng COA na ang Eligible Beneficiaries ng tulong ay tatanggap ng 100 libong piso para sa totally o heavily damaged houses o kaya naman ay30 libong piso para sa partially damaged houses.

Subalit nadiskubre ng COA na 76 lamang mula sa kabuuang 151 beneficiaries ang nakatanggap ng financial assistance.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -