DILG magsusumite ng SOCE sa COMELEC hanggang sa June 13

0
49

Haharangin ng DILG ang pag upo sa puwesto ng mga nahalal na kandidato sa ibat ibang posisyon sa katatapos na eleksyon kapag hindi sila nagsumite ng kanilang ginastos.

Ayon kay DILG Spokesman Jonathan Malaya .. obligasyon ng mga kandidato na magsumite ng kanilang SOCE o Statement of Contributions and Expenses sa COMELEC hanggang sa June 13.

Nakasaad sa SOCE ang kabuuang ginastos ng mga kandidato sa cash donations kabilang na ang mga nagastos mula kontribusyon.