CA Justice itinalaga bilang bagong mahistrado ng SC

0
47

Itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte si Court of Appeals (CA) Justice Henri Jean Paul Inting bilang bagong mahistrado ng Korte Suprema.

Kinumpleto ng 61-year-old na si Inting ang labing limang miyembro ng High Tribunal matapos punan ang binakanteng puwesto ni Justice Lucas Bersamin na itinalagang punong mahistrado.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ex officio member ng Judicial and Bar Council (JBC), si Inting ay naging hukom sa Quezon City RTC, naging municipal trial court judge, public attorney at prosecutor.

Si Inting na kapatid ni dating CA justice ngayo’y Comelec Commissioner Socorro Inting ay ika-siyam na appointee ng pangulo bilang associate justice sa Korte Suprema at ika-labing isa kung ibibilang ang appointment nina Teresita Leonardo De Castro at Bersamin bilang Chief Justice.

—–