28.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

DOF tiniyak na hindi baon sa utang ang China

- Advertisement -

Tiniyak ng Department of Finance (DOF) na hindi baon ang bansa sa utang sa China.

Sa isang forum, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez na walang katunayan ang mga alegasyon na baon na sa utang sa China ang bansa.

Kalkulado aniya ang bawat inuutang ng bansa sa foreign sa mga debtors dahil batid umano nila na ang mga taxpayers ang papasan nito.

Kasabay nito, tiniyak ni Dominguez na gagamitin sa tama ang mga inutang sa China partikular na sa mga proyektong pang imprastraktura ng pamahalaan.

Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte, nakapagsara ng dalawang debt deal ang pamahalaan ng China na ilalaan sa Chico River Irrigation Project at New Centennial Water Source-Kaliwa Dam Project.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -