Friday, May 17, 2024

‘Shit happens’ ni Bato kinondena

- Advertisement -

Kinondena ng New York based advocacy group na Human Rights Watch (HRW) ang ginawang komento ni Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na “shit happens” sa sinapit ng tatlong taong gulang na bata sa isang buy bust operation sa Rodriguez, Rizal.

Ayon kay Carlos Conde, HRW Philippines researcher, ang naturang pahayag ni Dela Rosa ay nagpapakita lang aniya na kawalan ng malasakit sa nangyari sa batang si Myca Ulpina.

Giit pa ni Conde, pinakikita rin ni Dela Rosa na hindi maaaring siya lamang ang mag-imbestiga ng mga kaso na may kaugnayan sa drug war ng administrasyon.

Si Ulpina ay nasawi sa police operation matapos mabaril makaraang gawin siyang pangsangga ng kaniyang ama na si Renato Dolofrina na target ng mga otoridad.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -