Friday, May 3, 2024

Direktiba para imbestigahan ang bantang rape kay Frankie Pangilinan kinumpirma ng NBI

- Advertisement -

Kinumpirma ng NBI na mayroon nang direktiba sa kanila para imbestigahan ang ‘di umano’y bantang panggagahasa kay Frankie Pangilinan, anak ng nina Senador Kiko Pangilinan at Mega Star Sharon Cuneta.

Ayon kay NBI Cybercrime Division Chief Victor Lorenzo, nasa proseso sila ngayon ng pagtaya kung saan sila dapat magsimula.

Ang banta kay Frankie ay komento ng isang kinilalang Sonny Alcos sa isang post sa social media kung saan sinabi nya na kung 12 anyos lamang siya ay gagahasain nya si Frankie.

Matatandaan na naging instrumento si Frankie sa pagsisimula ng hija online movement para laban ang sexual violence sa Pilipinas.

Ito’y matapos nyang kontrahin at sagutin ang aniya’y maling pananaw na, nangyayari ang rape dahil sa uri ng pananamit ng isang babae.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img