Dinner meeting para sa mga bagong mambabatas ng 18th congress pinangunahan ni Duterte

0
51

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang dinner meeting para sa mga bagong mambabatas sa papasok na 18th congress.

Batay sa ulat, isinagawa ang dinner meeting sa Malago Cubhouse sa loob ng Malacañang.

Kabilang sa mga dumalo ang panganay na anak ng pangulo na si Davao City Congressman elect Paolo Duterte.

Gayundin sina Marinduque Lone district representative Lord Allan Jay Velasco at Pampanga Rep. Dong Gonzales na naglalaban para maging susunod na house speaker.