‘Recto Bank incident’ huwag nang palakihin

0
62

Magtulungan na lamang at huwag nang dagdagan pa ang sigalot sa banggaan ng Chinese at Filipino vessels sa Recto Bank.

Ito ang ipinahayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay.

Ito’y sa gitna ng kaliwa’t kanang pagdududa at diskusyon sa nangyaring pagbangga ng Chinese fishing vessel sa bangkang pangisda ng mga Pilipino.

Giit ni Lorenzana, huwag ng dagdagan pa ang mga emosyon hinggil dito at sa halip ay makipagtulungan na lamang ang pamahalaan sa Chinese government.

Marami rin aniyang lumalabas na iba’t ibang bersyon sa naturang usapin kaya’t dapat maging maingat at huwag maging padalos-dalos sa mga pahayag upang hindi na lumala ang sitwasyon.

Humiling na rin aniya si Lorenzana sa Department of Foreign Affairs (DFA) na sumulat sa gobyerno ng China upang magbigay ng impormasyon sa kanilang isinasagawang sariling imbestigasyon sa naturang insidente.

with report from Aya Yupangco (Patrol 5)