Bagong NFA admin pormal nang itinalaga

0
59

Pormal nang nanumpa si Judy Carol Dansal bilang bagong administrator ng National Food Authority (NFA).

Batay sa appointment paper na may petsang Hunyo 11, itinalaga ni Pangulong Duterte si Dansal bilang bagong NFA Administrator kung saan pupunan nito ang hindi natapos na termino ni NFA Administrator Jason Aquino.

Si Dansal ay nagsilbing NFA deputy administrator for marketing operation.

Matatandaang, Setyembre noong nakaraang taon nang hilingin mismo ni Aquino kay Pangulong Duterte na ma-relieve siya sa pwesto matapos umani ng batikos ang NFA sa labis na pagtaas ng presyo ng bigas.