Sen. Villar tutol na tapyasan sa budget ang industriya ng asukal

0
39

Tutol si Senator Cynthia Villar sa planong tapyasan ng kalahating bilyong piso ang pondo para sa industriya ng asukal.

Sa isinagawang pagdinig ng pinamumunuan komite ni Villar na Committee on Agriculture, sinabi ni Villar na napapaitan siya sa ilalaang P500-M para sa industriya.

Aniya, masyadong maliit ang naturang halaga at hindi ito sasapat para sa industriya ng asukal.

Lumutang din sa nasabing pagdinig, ang hindi tamang paggasta ng sugar regulatory commission ng kanilang pondo.

Mula noong taong 2016 P2-B taunang budget, nababawasan ng P500-M ang pondong inilalaan para sa Sugarcane Industry Development Act.

Dagdag pa ng senador, ang pagtapyas ng Department of Budget  and Management (DBM) sa naturang pondo ay posibleng nag-ugat sa hindi tamang pag-gasta nito.