Big-time rollback sa presyo ng LPG nakaamba sa unang araw ng Abril

Big-time rollback sa presyo ng LPG nakaamba sa unang araw ng Abril

by Powered by DWIZ
48 views

Magpapatupad ng malakihang rollback sa presyo ng liquified petroleum gas (LPG) ang mga kumpanya ng langis.

Sa abiso ng Solane, bababa ng P9.58 ang kada kilo ng kanilang LPG o katumbas ng P105.35 kada tangke.

Habang magtatapyas naman ang Petron ng P10.70 kada kilo o katumbas ng  P117.70 kada isang tangke ng kanilang LPG.

May P6 kada litrong rollback din sa AutoLPG ang Petron.

Epektibo ang tapyas presyo sa LPG at AutoLPG alas sais bukas, Abril 1.

0 comment

Related Posts