29.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Maynilad at Manila Water magpapatupad ng rotational water service interruption simula sa Huwebes, Oktubre 24

- Advertisement -

Ipatutupad na ng Maynilad at Manila Water ang kanilang mga naka-schedule na rotational water service interruption simula Huwebes ng gabi, October 24.

Ito ay bunsod pa rin ng patuloy na pagbababa ng water level sa Angat at Ipo Dam na sanhi naman ng madalang pa ring pag-ulan.

Sinabi ng Maynilad na nananatili pa rin sa 40 cubic meters per second ang alokasyon ng tubig ng Metro Manila na dahilan ng kakapusan ng raw water supply sa Ipo Dam at kanilang mga water treatment facilities.

Dagdag ng dalawang water concessionaires, bahagi rin anila ito ng paghahanda para sa tag-init sa susunod na taon sakaling hindi maabot ang target na 212 meters na antas sa Angat Dam sa pagtatapos ng 2019.

Sinabi naman ng Manila Water na may posibilidad na abutin hanggang susunod na taon ang pagpapatupad nila ng rotational water service interruption.

Hinimok naman ng Maynilad at Manila Water ang kanilang mga customers na makiisa sa responsableng paggamit ng limitadong suplay ng tubig at mag-imbak ng sapat lamang sa gagamitin sa isang araw.

Makikita ang kumpletong detalye at schedule ng rotational water service interruption sa mga social media sites ng Maynilad at Manila Water.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -