Sunday, May 5, 2024

DILG nagbabala sa mga alkalde na mabibigo sa 60 days deadline clean-up

- Advertisement -

Nagbabala ang Dept. of Interior and Local Government (DILG) sa mga alkaldeng mabibigong makasunod sa itinakdang 60 araw para linisin ang kanilang mga nasasakupang lugar.

Ayon kay Interior and Local Government Sec. Eduardo Año, sisimulan na nilang magsagawa ng assessment sa performance ng mga Alkalde ngayong linggo.

Kaugnay ito ng ibinigay na ultimatum ng DILG sa lahat ng Alkalde sa buong bansa na 60 days na deadline upang linisin ang mga kalsada mula sa mga nakasasagabal sa daloy ng trapiko.

Aniya, kumpiyansa naman siya na makasusunod ang mga Alkalde at masaya rin siya sa pagsusumikap ng mga ito na tumalima sa naturang kautusan.

Gayunman, sinabi ni Año na hindi magdadalawang isip ang DILG na patawan ng suspensiyon ang sinumang Alkalde na hindi makakasunod dito.

Samantala, nilinaw naman ni Año na magbibigay pa rin naman sila ng kunsiderasyon sa mga alkaldeng kakapusin ng hakbang, bago nila ito patawan ng karampatang aksiyon.

With report from Jaymark Dagala.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img