Mahigit 33,000 na ang mga apektado sa Bagyong Ineng

0
45

Umabot na sa mahigit 33,000 indibidwal o katumbas ng 8,000 pamilya ang lubhang naapektuhan ng bagyong Ineng sa Regions 1, 2, at 3.

Ito ay batay sa pinakahuling datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kung saan pumalo naman sa halos 200 pamilya ang kasalukuyang nasa mga evacuation centers.

Kasabay nito, pumalo naman sa P600-M ang pinsalang idinulot ng naturang bagyo sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Ayon kay Governor Matthew Marcos Manotoc, nasa 43 kabahayan ang naapektuhan ng kalamidad sa tatlong bayan sa nasabing lalawigan.

Sa ngayon, tiniyak naman ng NDRRMC na nasa mahigit P1.1-B ang standby fund ng DSWD.

With report from Jaymark Dagala.