3 katao patay sa hostage taking sa Las Piñas

0
48

Patay ang 3 katao sa naganap na hostage taking sa lungsod ng Las Piñas, kahapon.

Kinilala ang dalawang nasawing biktima bilang sina Reniel Nonato, 16 anyos at Dancecil Bilog, 35 anyos pawang dead on arrival ang dalawang biktima nang dalhin ito sa Las Piñas General Hospital.

Nakilala ang suspek na si Renen Fulgencio na nakuhanan ng dalawang patalim at sinasabing lasing nang bigla nitong pagsasaksakin ang inampon nitong anak na si Nonato, at kapitbahay nito na si Bilog.

Batay naman sa inisyal na report ng mga otoridad, nasawi ang suspek matapos itong paputukan ng rumespondeng pulis dahil sa pagtanggi nitong sumuko sa mga otoridad.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa rin naman ng mga pulis ang naturang insidente.