Saturday, May 4, 2024

DILG, may 3 hanggang 5 rekomendasyon para maging susunod na PNP chief

- Advertisement -

Nasa tatlo (3) hanggang limang (5) pangalan ang posibleng irekomenda ng Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año para maging susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Año, kanyang isusumite ang rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na Linggo.

Dagdag pa ng kalihim, bagama’t napagkuwentuhan na nila ni Pangulong Duterte ang mga posibleng maging susunod na PNP chief, iginiit pa rin aniya ng punong ehekutibo na hihintayin muna nito ang kanyang rekomendasyon bago magpasiya.

Sinabi naman ni año na kabilang sa kanyang pinagbatanyang sa pagrerekomenda ng susunod na PNP chief ang seniority, merito, at experiences o karanasan ng mga ito —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img