Paolo Duterte walang balak maging house speaker

0
47

Nilinaw ni Presidential Son at Davao City Congressman Elect Paolo Duterte na wala siyang balak maging house speaker.

Kasunod na rin ito ng pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na bababa siya sa puwesto kapag tumakbo ang anak na si Paolo bilang Speaker of the House.

Sinabi ng bagong kongresista na ayaw niyang maging pinuno ng kamara at tiyak na nagkamali aniya ang nagbulong sa kaniyang ama hinggil dito.