Radio Philippines Network
Headlines National News

DILG inutusang dalhin ang mga LSI sa maayos na matutuluyan

Pinatitipon ng Pangulong Rodrigo Duterte kay DILG Secretary Eduardo Año ang lahat ng locally stranded individuals (LSI) na nasa airport at ba pang lugar at dalhin sa isang maayos na matutuluyan.

Kasunod na rin ito ng pangako ng Pangulong Duterte na akuin ang gastusin sa titirhan at pagkain ng mga LSI.

Kasabay nito pinakilos ng Pangulo si Transportation Secretary Arthur Tugade na alisin ang mga restaurant sa harap ng NAIA dahil wala na aniyang maupuan ang mga pasahero.

Kung may pagkakataon, pinate-terminate ng Pangulo kay Tugade ang kontrata ng mga nasabing restaurant na dapat na palitan ng mga upuan para sa mga pasahero partikular ang mga buntis at mayroong mga kasamang bata at matatanda.

Related posts

Bilang ng mga biktima ng paputok nadagdagan pa

Powered by DWIZ

Pangulong Duterte hinikayat ang taumbayan na wag iboto si VP Robredo sa presidential elections

Powered by DWIZ

BI, hinarang ang 242 dayuhang illegal workers sa NAIA

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More