Radio Philippines Network
National News

EDSA Busway sinimulan na

Gumulong na simula ngayong araw na ito ang interim operations ng EDSA Busway.

Layon ng EDSA Busway na matulungan ang mga commuter sa Metro Manila ngayong nananatili pa rin ito sa general community quarantine (GCQ).

Sakop ng temporary operations ng EDSA Busway ang mga bus stops mula Monumento hanggang PITX.

Ang mga bus galing Monumento at patungong Quezon Avenue ay gagamit ng mga bus stops sa Bagong Barrio, LRT Balintawak, Kaingin Road, LRT Munioz Station, Mt North Avenue Station – Southbound -loading only, Northbound-unloading only at MRT Quezon Avenue Station – Southbound – loading only, Northbound – unloading only.

Gagamitin na rin ng mga bus ang median lanes section mula sa Quezon Avenue hanggang sa EDSA Estrella at paglampas dito ang mga bus ay papayagang mag pick up at magbaba ng pasahero sa curbside stops mula Buendia hanggang sa PITX partikular sa mga sumusunod na bus stops: Buendia, Ayala (Southbound unloading only, Northbound – loading and unloading), Magallanes, Evangelista/Malibay, Taft Avenue (Southbound – unloading only, Northbound – loading only), Roxas Blvd., Macapagal Avenue, SM Mall Of Asia at PITX.

Sinabi ng DOTr na aabot sa 550 bus units ang otorisadong gumamit ng EDSA Busway.

Related posts

Meralco may taas-singil sa October electric bill

Powered by DWIZ

Kumakalat na larawan ng “congested” Divisioria fake news

Powered by DWIZ

Comelec nagpatupad ng balasahan sa ilan nilang matataas na opisyal

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More