DFA pinayuhan ang mga Pinoy sa Tunisia matapos ang kambal na pagsabog sa nasabing bansa

0
53

Pinag iingat ng DFA o Department of Foreign Affairs ang mga pilipino sa tunisia matapos ang kambal na pagsabog sa nasabing bansa.

Ang unang pagsabog ay nangyari sa Rue De Charles De Gaulle na malapit lamang sa Embahada ng France sa bayan ng Tunis kung saan isang pulis ang nasawi at marami ang nasugatan.

Ang naturang pagsabog ay sinundan ng isa pang pagsabog sa Al Qarjani District kung saan pinasabog ng isang suicide bomber ang bomba malapit sa puwesto ng national guard.

Batay sa record ng DFA, mayroong 94 na Pilipino ang nasa Tunisia.