Mga nanalo sa 2019 elections pormal nang nanumpa sa puwesto

0
68

Pormal nang nanumpa ngayong araw at opisyal nang manunungkulan bukas,Hulyo 1 ang lahat ng mga nanalo sa nakalipas na 2019 mid-term elections sa iba’t ibang panig ng bansa

Ilan sa mga inabangan ay ang pagkaka-upo ng mga bagong mukha at mga batang mamumuno sa kani-kanilang mga lugar

Sa lungsod ng Maynila, nangako ang bagong Alkalde nito na si Mayor Isko Moreno na muling ibabalik sa mga manilenyo ang kanilang lungsod at sisikaping pagtuunan ang mga proyekto para sa mahihirap

Nagpasalamat naman ang bagong Quezon City Mayor na si Joy Belmonte sa tiwalang ibinigay sa kaniya ng mga taga-Quezon City at tiniyak na kaniyang bibigyang pansin ang pag-unlad ng kanilang lungsod

Paglaban naman sa katiwalian ang ipinangako ng bagong Alkalde ng Pasig na si Vico Sotto matapos na buwagin nito ang dynastiyang Eusebio sa kanilang lungsod

Kabilang din sa mga nanumpa sa puwesto sina Navotas City Mayor Toby Tiangco na pumalit sa ngayo’y Rep. John Ray Tiangco at San Juan City Mayor Francis Zamora na bumasag naman sa dynastiya ng mga Ejercito nang talunin si dating Mayor Guia Gomez