2 hanggang 3 pang bagyo inaasahang papasok sa PAR ngayong buwan

0
46

Dalawa hanggang tatlo pang bagyo ang inaasahang papasok sa PAR o Philippine Area of Eesponsibility sa buwang ito.

Ayon ito sa PAGASA na nagsabi ring batay sa kanilang tracks record, ang mga nasabing bagyo ay inaasahang tatama sa kalupaan ng Southern at Central Luzon.

Kabilang sa mga pangalan ng mga nasabing bagyo ay Falcon, Goring, Hanna, Ineng, Jenny at Kabayan.

Ang mga bagyong Dodong at Egay ay una nang pumasok sa PAR sa buwan ng Hunyo.