Isang gas plant sa Nigeria sumabog, madami ang nasawi

0
35

Patay ang hindi bababa sa 15 katao matapos sumabog ang isang gas processing plant sa Lagos Nigeria.

Umabot naman sa halos 50  mga gusali ang natupok ng apoy bunsod ng pagsabog.

Ayon sa Nigerian National Petroleum Corporation, nangyari ang insidente matapos bumangga ang isang truck sa ilang mga tangke ng gas na nakahilera sa labas ng planta.

Bukod dito malapit din anila ang pagsabog sa pipeline ng Abule Ado na bahagi ng Lagos State.