Radio Philippines Network
International News National News

DFA naglabas ng abiso para sa mga Pinoy na patungong Iraq

Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino na iwasan munang bumiyahe patungong Iraq kasunod ng rocket assaults sa Baghdad International Airport at Green Zone.

Paliwanag ng DFA, kung hindi naman maaaring i-postpone ang biyahe, dapat tiyakin na walang umiiral na curfew sa kanilang destinasyon.

Batay sa advisory ng ahensya, dapat ding iwasang mag-book ng flights na gabi o umaga ang dating o arrival sa Baghdad, Basra, at iba pang paliparan sa Kurdistan Region.

Madalas tina-target ng rocket attacks ang ilang Iraqi military bases na siya ring tinutuluyan ng American troops, gayundin ang Green Zone na tahanan naman ng maraming foreign missions, kabilang ang US embassy.

Related posts

Pangilinan, Hontiveros hindi na sumailalim sa COVID-19 testing

Powered by DWIZ

PH Army humingi ng paumanhin ukol sa ‘edited’ na litrato

Powered by DWIZ

Publiko binalaan sa mga noche buena items na may pinekeng expiration date

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More