Sunday, May 5, 2024

Desisyong patuloy na pag-aangkat ng manok ng DA ikinabahala

- Advertisement -

Ikinabahala ng grupo ng United Broilers Association ang naging desisyon ng Department of Agriculture (DA) na ituloy ang pag-aangkat ng manok sa ibang bansa.

Sa isang panayam, sinabi ni United Broilers Association President Atty. Elias Jose Inciong na bagsak na ang presyo ng mga manok sa bansa dahil sa dami ng suplay at mababang demand nito.

Ito aniya ang dahilan kung bakit sila umaalma sa naging direktiba ng DA na ituloy ang importasyon.

Inatasan pa umano sila ng DA na mag-self regulate upang maiwasan ang oversupply ngunit para sa grupo ay lalo lamang malulubog ang mga lokal na pagmamanok gayong wala naman anilang ibang ibig sabihin ang naging kauutusan ng ahensya kundi bawasan ang produksyon ng mga ito.

Kasabay nito, ikinabahala rin ng grupo ang maluwag na sistema ng quarantine sa bansa kung saan nakita kamakailan ang traces ng COVID-19 sa frozen chicken wings mula Brazil.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img