11 nasawi matapos mabaril sa nangyaring mass jailbreak sa Papua New Guinea

0
19

Nasawi ang 11 bilanggo, matapos mabaril sa nangyaring mass jailbreak sa Papua New Guinea.

Ayon kay Correctional Service Commissioner Stephen Pokanis, napatay ng mga guwardya at police ng Buimo Prison ang 11 bilanggo matapos na subukan ng mga ito na tumakas nang isugod sa ospital ang isang pang bilanggo na may sakit.

Anila, nasa kabuuang 47 bilanggo ang dawit sa nangyaring mass jailbreak.

Samantala, ito na ang ika-apat na prison break sa Papua New Guinea ngayong taon.