31 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

Desisyon ng DepEd na ituloy ang pagbubukas ng klase sa Agosoto 24 wala nang makapipigil pa

- Advertisement -

Wala nang makapipigil pa sa desisyon ng Department of Education (DepEd) na ituloy ang pagbubukas ng klase sa darating na Agosto 24.

Sa kabila ito ng kaliwa’t kanang pag tutol sa hakbang ng DepEd na buksan ang klase  ngayong buwan dahil na rin sa kinahaharap na coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis ng bansa.

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, wala namang face-to-face classes na magaganap at blended learning naman ang ipatutupad ng DepEd.

Aniya, alinsunod naman ito sa panuntunang itinakda ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).

Una rito, umapela ang Teachers Dignity Coalition (TDC) sa basic education committee ng kongreso na ipagpaliban muna ang pagbubukas ng klase.

Kaugnay nito, kinondena rin ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang naturang hakbang ng DepEd sa gitna ng pandemya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -