COVID-19 cases sa bansa umakyat na sa 136,638 —DOH

0
28

Sumampa na sa halos 7,000 ang bilang ng panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito ay matapos na maitala ng Department of Health (DOH)  ang record-high na 6,958 bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa bilang ng bagong kaso sa bansa, pinaka mataas dito ang naitala sa Metro Manila na pumapalo na sa 4,163.

Dahil dito, sumampa na sa 136,638 ang bilang ng kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa bilang na ito, nasa 66,186 ang aktibong kaso.

Habang nasa 68,159 naman ang bilang ng mga nakarekober at 2,294 naman ang bilang ng mga nasawi.