27.2 C
Manila
Friday, March 29, 2024

DOH pinayuhang ang publiko na magsuot ng face masks sa loob ng bahay na may kasamang senior citizens

- Advertisement -

Hinikayat nang magsuot ng face masks ang sakani-kanilang mga tahanan ang mga indibidwal na may kasamang senior citizens, o mga immunocompromised individuals.

Ito ang naging tugon ni Health Undersec. Maria Rosario Vergeire kaugnay ng naging pahayag ni Department of  Interior and Local Government Sec. Eduardo Año na dapat na ring magsuot ng face masks kahit sa loob ng tahanan dahil sa hawaan ng coronavirus disease 2019 (COVId-19)   sa mga magkaka-anak.

Sinabi ni Vergeire, dapat nang mag suot ng face masks kahit sa loob ng kanilang mga tahanan ang mga indibidwal na mayroong kasamang senior citizen, o mga indibidwal na may ini-inda ng sakit at mahina ang resistensya.

Gayunman, binigyang linaw rin ni vergeire na hindi pa naman mandatory ang pagsusuot ng face shield bukod pa sa face masks ngunit inirerekumenda nila ito para sa karagdagang proteksyon ng publiko.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -