Bautista naglatag ng kundisyon bago tanggapin ang public apology ni Tulfo

0
54

Binasag na ni DSWD Sec. Rolando Bautista ang kaniyang katahimikan hinggil sa naging pag-banat sa kaniya ng Broadcaster na si Erwin Tulfo.

Ayon kay Bautista, tatanggapin lamang niya ang pag-hingi ng tawad ni Tulfo kung aaminin nito ang kaniyang mga pagkakamali kung aaminin nito ang kaniyang mga pagkakamali sa pamamagitan ng paglalabas ng pahayag sa mga kilalang pahayagan, istasyon ng Radyo at maging sa kaniyang mga Social Media Accounts.

Maliban dito, sinabi rin naman ni Bautista na sa halip na magbayad ng danyos dahil sa pagsira sa kaniyang reputasyon, ay dapat ding magbigay ng donasyon ni Tulfo na nagkakahalaga ng 300 libong piso sa 19 na Institusyon Ng Gobyerno.

Matatandaang, bumanat si Tulfo na sasampalin niya si Bautista makaraang hindi niya ito makapanayam sa kaniyang Radio Program.