Tuesday, May 7, 2024

DENR dumepensa sa pagtatambak ng synthetic white sand sa Manila Bay

- Advertisement -

Dinipensahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagtatambak ng synthetic white sand sa dalampasigan ng Manila Bay.

Ito ay matapos na umani ng batikos mula sa publiko ang hakbang ng pamahalaan na tambakan ng puting buhagin ang Manila Bay, sa gitna ng kinahaharap na coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ng Pilipinas.

Sinabi ni Environment Undersecretary Benny Antiporda, mahihikayat kasi ng hakbang na ito na huwag basta-basta magtapon ang publiko ng basura sa bahagi ng Manila Bay.

Aniya, ang paglalagay ng synthetic white sand sa Manila Bay ay bahagi ng information campaign ng DENR para sa rehabilitasyon nito.

Dagdag pa nito, ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng P389-milyon at bahagi ng Manila Bay Beach Nourishment Project.

Dinipensahan din ni Antiporda ang pahayag ng mga bumabatikos sa naturang program dahil pinag-aaralan naman aniya ng DENR ang naturang proyekto sa tulong ng mga eksperto kaya’t kaya nitong matagalan ang malakas na alon ng tubig sa nasabing karagatan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img