Pag lift sa Martial law sa Mindanao ikokonsidera ni Duterte —Spox

0
15

Tiniyak ng Malacañang na ikokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang tanggalin na ang Martial law sa Mindanao.

Kasunod naman ito ng pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi niya na irerekomenda ang muling pagpapalawig ng Martial law sa Mindanao.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, nakadepende ang magiging pasiya ni Pangulong Duterte sa payo at rekomendasyon ng pulisya at militar

Iginiit ni Panelo, pag-aaralang mabuti ng pangulo ang mga ihahaing rekomendasyon ng mga security officials sa bago magpasiya.