Tuesday, May 7, 2024

Deloitte PH nagsagawa na ng contact tracing kaugnay sa kanilang empleyadong positibo sa COVID-19

- Advertisement -

Nagsagawa na ng contact tracing ang kumpanyang Deloitte Philippines sa mga posibleng nakasalamuha ng kanilang empleyadong nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Ito ang naging pagtitiyak ng kumpanya kung saan kumikilos na sila upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang tanggapan sa Taguig City.

Tiniyak din ng kumpaniya ang kaukulang tulong para sa pamilya ng naapektuhang empleyado nito at mahigpit din nilang tututukan ang kapakanan at kaligtasan ng iba pa nilang mga empleyado.

Kasunod nito, iginiit ng kumpaniya na mahigpit din nilang sinusunod ang mataas na pamantayan sa kalinisan at kalusugan ng mga tauhan nito salig sa itinakda ng Department of Health (DOH).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img