OFWs mula Macau babalik na sa Pilipinas

0
39

Aabot sa halos 200 mga ofw’s o overseas Filipino workers mula Macau ang darating sa bansa mamayang hapon.

Batay sa abiso ng Dept. Of Foreign Affairs (DFA), inaasahang 4:30PM darating sa bansa ang 167 undocumented at irregular Filipino workers darating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1.

Matatandaang nito pang Pebrero nang makipagugnayan ang pamahaalaan sa Macau upang maiuwi sa bansa ang mga Filipino doon dahil pa rin sa panganib ng coronavirus disease (COVID-19).

Nag dulot kasi ng kakulangan ng direct flights pabalik ng Pilipinas ang ipinatutupad na travel restriction dahil sa virus.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng DFA na tanging mga asymptomatic lamang na mga Filipino o yung mga Filipinong hindi nakitaan ng anumang sintomas ng COVID-19 ang ibibiyahe pabalik ng Pilipinas.