36.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Kuwait government kinansela lahat ng flights mula Pilipinas, 6 iba pang bansa

- Advertisement -

Sinuspindi na ng gobyerno ng Kuwait ang lahat ng flights mula sa Pilipinas at anim na iba pang bansa patungo sa Kuwait.

Batay sa inilabas na circular number 27 ng Kuwaiti’s Directorate General of Aviation, pansamantala munang kanselado ang flights mula Pilipinas, Bangladesh, India, Sri Lanka, Syria, Lebanon at Egypt.

Ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Matatatandaang, nagpalabas din naman ang Kuwaiti government ng bagong panuntunan hinggil sa mga biyaherong papasok sa kanilang teritoryo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -