Thursday, May 2, 2024

Dela Rosa umani ng batikos sa naging pahayag nito sa sesyon ng Senado kahapon

- Advertisement -

Inulan ng batikos ang naging pahayag ni Sen. Ronald Bato Dela Rosa sa pagtatapos ng hybrid senate session kahapon.

Kumalat kasi online ang video clip kung saan habang nagpapaalam na ang mga senador sa pagtatapos ng kanilang sesyon ay maririnig na sinabi ni Dela Rosa na “Sarap ng buhay! Sarap ng buhay! Ganito na lang tayo palagi ah!”.

Ilan sa mga naging komento ng netizens ay pagiging insensitive umano ng senador sa gitna ng krisis ngayon na kinaharap ng bansa dahil sa COVID-19 pandemi.

Habang ang ilan naman ay kinuwestiyon ang pagiging epektibo ni Dela Rosa bilang senador.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img