31.8 C
Manila
Friday, April 12, 2024

De Vera sinopla ang isinumiteng ulat ni Salceda kaugnay sa free tuition law

- Advertisement -

Sinopla ni Commission on Higher Education (CHED) Commissioner Prospero De Vera ang isinumiteng report ni Albay Representative Joey Salceda kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo kung saan pinagpapaliwanag nito ang CHED hinggil sa umano’y palpak na implementasyon ng Republic Act 10931 o ang batas para sa libreng matrikula.

Ayon kay De Vera, mistulang hindi updated si Salceda sa isinasaad ng free tuition law.

Pahayag ng CHED Commissioner, mataas ang kanyang respeto kay Salceda dahil sa pagkakapasa ng RA 10931 kung kaya’t siniseryoso aniya ang naging komento nito.

Subalit iginiit ni De Vera, na tila kulang ang impormasyon ng mambabatas kaugnay sa pagpapatupad ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST).

Batay sa report ni Salceda, binabatikos nito ang CHED dahil sa napakabagal umano na reimbursements ng matrikula at miscellaneous fees sa mga public universities and colleges sa bansa.

Samantala, sa kabila ng inihayag ni De Vera, nanindigan parin ang mambabatas na tama ang kanyang analysis.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -