34 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

VMMC ikinukunsidera ng DND na gawing first class hospital

- Advertisement -

Ikinukunsidera ngayon ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na gawin ng first class hospital ang Veterans Memorial Medical Center o VMMC sa lunsod ng Quezon.

Sa talumpati ni Lorenzana sa 77th Veterans Federation of the Philippines Supreme Council Meeting sa Quezon City, sinabi nito, na maliban sa dami ng pera ng VMMC, mayroon pa aniyang ibinigay na pondo dito si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa kalihim, sa ngayon namomroblema ang VMMC kung paano gagastusin ang kanilang sobra-sobrang excess funds.

Umaasa naman si Lorenzana, na bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte ay magiging first class hospital na ang VMMC.

Bukod dito, binabalak na rin ng DND na paupahan ang golf course na pag-aari ng Veterans Federation of the Philippines o VFP sa pamamagitan ng joint ventures upang mapaglaanan ng sapat na alokasyon ang medisina at operasyon ng ospital.

Samantala, masaya namang ibinalita ni Lorenzana na malapit nang magkaroon ng angioplasty sa Philippine Heart Center na malaking tulong para sa mga senior citizen.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -