28.5 C
Manila
Friday, April 19, 2024

“It’s More Fun in the Philippines” campaign ng DOT paiigtingin

- Advertisement -

Palalakasin ng Department of Tourism ang branding at tourism campaign ng Pilipinas sa susunod na taon.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, bagaman ipagpapatuloy nila ang tourism slogan na “It’s More Fun in the Philippines,” kanila itong i-re-refresh upang makuha ang atensyon ng mga millennial sa pamamagitan ng social media.

Kabilang aniya sa kanilang tututukan ang mga social media platform sa pagpapalaganap ng tourism campaign ng bansa lalo’t maraming millennials ang gumagamit ng Facebook, Twitter at Instagram.

Sa ganitong paraan inaasahan ng ahensya na lalo pang makikilala ang Pilipinas at makahimok ng mas maraming turista na magreresulta sa karagdagang trabaho.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -