De Lima tinawag na “role model” ng political dynasty ang pamilya Duterte

0
46

Tinawag na role model ng political dynasty ni Senador Leila De Lima ang pamilya Duterte.

Ayon kay De Lima, walang ibang panahon sa bansa kung saan mas namamayagpag ang dynasty kundi sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Mas pinapalakas pa ito ng malawakang impunity ng bansa at kawalan ng accountability kasama na ang monopolya ng kapangyarihan.

Matatandaang tumatakbo ang tatlong anak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pulitika si Davao City Mayor Dara Duterte- Carpio ay muling tumakbo sa pagka alkalde kung saan running mate nito si Sebastian “Baste” Duterte habang ang panganay naman na si Paolo Duterte ay tumatakbo naman sa pagka kongresista ng distrito ng Davao.