4 dayuhang kompanya nais maging 3rd telco player sa bansa

0
73

Apat na dayuhang kumpanya ang kabilang sa mga nagnanais na maging third telecommunications player sa bansa.

Ayon kay Department of Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio Jr, ito ay ang China Telecom Corporation, Telenor ng Norway, Mobitel ng Austria at Koreatel ng South Korea.

Ang naturang mga kumpanya aniya ay hindi hamak na mas malaki sa mga kumpanyang Smart – PLDT at Globe na siyang may kontrol ng telekomunikasyon sa bansa.

Sa Nobyembre 7 ay opisyal nang i aanunsyo ng ahensya ang magiging ikatlong telco player.