Friday, May 3, 2024

De Lima dudang kaya ng AFP, PNP ang pagpapatupad ng anti-terror law

- Advertisement -

Nagpahayag ng pagdududa si Senadora Leila De Lima kaugnay sa kakayahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng anti-terrorism law dahil sa nangyaring shooting incident sa pagitan ng dalawang kampo sa Jolo,Sulu noong nakaraang linggo.

Ayon sa senadora, kung mga pulis mismo ang pumapatay sa mga sundalong tumutugis sa mga teroristang Abu Sayyaf sa bansa ay paano pa ang mga sibilyan na walang armas at walang kalaban-laban.

Aniya, manalangin na lang umano ang publiko sa Diyos na alam ng mga kapulisan kung sino ang kakampi at kung sino ang mga terorista.

Samantala, tinanong naman ni De Lima ang militar kung ang “gifts of arms” ni Pangulong Rodrigo Duterte ay may pagtaas ng sweldo at posisyon na sapat para sa kanila na maging isang bulag sa posibilidad na pang-aabuso na kanilang maaaring gawin dahil sa anti-terrorism law.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img