Saturday, May 18, 2024

De Lima at Roxas pinagpapaliwanag ng Ombudsman ukol sa IRR ng GCTA

- Advertisement -

Pinagpapaliwanag ng Ombudsman sina Senadora Leila De Lima at dating interior and local government secretary Mar Roxas sa usapin ng GCTA o Good Conduct Time Allowance.

Sa ipinadalang sulat ni Ombudsman Samuel Martires, kanyang iginiit na dapat linawin nina De Lima at Roxas ang kanilang ginawang IRR o Implementing Rules and Regulations para sa GCTA.

Ayon kay Martires, nakasaad sa inamyendahang batas hinggil sa pinalawig na computation ng GCTA noong 2013 na hindi nito saklaw ang mga recidivist o nahatulan na pero umulit sa paggawa ng krimen, habitual delinquent, mga tumakas at convicted ng heinous crimes.

Samantalang, nakasaad sa IRR na tanging diskuwalipikado lamang para sa GCTA ang mga recidivist at dati nang na-convict ng korte pero nabigong sumuko.

Binigyan naman ng Ombudsman ng tatlong araw sina De Lima at Roxas para magsumite ng kanilang written explanation.

(with report from Jill Resontoc)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -