Davao: Update sa diarrhea outbreak sa Laak, Davao De Oro

0
174

Marami na sa mga residente ang gumaling matapos ang nangyaring diarrhea outbreak sa Barangay Naga, Laak, Davao De Oro dahil sa kontaminadong tubig.

Visit RPN DXKT Davao

Ayon sa ipinalabas na datos ng Local Government Unit of Laak FB page, kaninang alas 9 ng umaga, Abril 16, 2022. 30 recoveries ang nakalabas na ng ospital habang 8 sa mga OPD at 29 na mga residente parin ang naka-admit sa Davao De Oro Provincial Hospital.

Tuloy-tuloy parin ang paghahanap ng active case finding ng medical team LGU-Laak upang mamonitor ng mabuti ang mga apektdong residente.

Pansamantala munang ginawang Medical Shelter ang Barangay Hall sa Brangay Naga. Sa tulong din ng Red Cross nabigyan ang mga resident ng malinis na tubig at nag lagay ng mga Water Tanker, Water Bladder at Water Filtration Unit.

(Source: Local Government Unit of Laak)

Leave a Reply