35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Davao: Pabahay Binigay Ng Tagum LGU Sa Mga Benepisyaryo

- Advertisement -

Tagum City – Umabot sa 111 na mga indibiduwal na residente ng Tagum City ang nagkaroon na ng bahay matapos sila’ng binigyan ng Notice of Award na kanilang malipatan.

Nasa 111 beneficiaries ang nakatanggap ng Notice of Award sa isang housing lot sa Mankilam Tagumpay Village kasabay ng seremonya na ginawa sa Mankilam Elementary School gym.

Ang Mankilam Tagumpay Village isang relocation site ng LGU kung saan ang mga titira dito ay ang mga apektado ng road widening program, mga nakatira sa mga lugar na palaging binabaha at landslide.

Ang relocation site sa Purok Abaca, Barangay Mankilam patuloy din na pinapaganda sa pamamagitan ng pagdevelop ng land filling, paglagay ng magandang daan at drainage.

(Source: Tagum LGU)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -