Davao Oriental niyanig ng lindol– PHIVOLCS

0
50

Niyanig ng magnitude 6 point2 na lindol ang Davao Oriental, dakong 6:12 kagabi.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang Epicenter ng lindol sa layong 75 kilometro Timog Silangan ng bayan ng Governor Generoso at may lalim na 81 kilometro.

Naramdaman ang intensity 5 sa Mati City, intensity 4 sa Davao City at General Santo at intensity 2 sa Bislig City.

Habang naitala ang instrumental intensity 4 sa Alabel at Kiamba Sarangani, instrumental intensity 3 sa Kidapawan City at instrumental intensity 1 sa Cagayan De Oro City.

Walang namang naitalang pinsala sa mga ari-arian ang naramdamang lindol bagama’t inaasahan ng PHIVOLCS ang ilang aftershocks.