Inflation Rate sa buwan ng mayo

0
44

Posibleng bumagal sa pagitan ng 2 point 8 hanggang 3 point 6 percent ang Inflation Rate nitong mayo.

Batay Ito sa pagtaya ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas kasunod ng pagbaba sa presyo ng bigas, lokal na presyo ng langis at singil sa kuryente.

Sa kabila naman ito ng nakikitang pagtaas sa pasahe at presyo ng mga pagakain sa Central Visayas.

Tiniyak naman ng BSP na patuloy nilang babantayan ang paggalaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa para maabot ang target na Inflation.

Magugunitang, naitala sa 3 point 0 ang inflation rate noong abril.